Breaking! Victor Consunji Nagsalita Na Laban Kay Maggie Wilson! Nakakagulat Na Rebelasyon!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Binasag na ng negosyanteng si Victor Consunji ang kanyang pananahimik hinggil sa paghihiwalay nila ng asawang si Maggie Wilson.

Matatandaan na ilang beses nang nagpakawala ng maiinit na pahayag si Maggie sa kanyang social media post subalit nanahimik lamang si Victor. Subalit tila tapos na ang pagtitimpi nito dahil sa unang pagkakataon ay naglabas na ito ng pahayag.

Ayon kay Victor nagsalita na siya dahil sobra na ang malisyosong attacks ni Maggie laban sa kanya sa mga online posts nito. Nagsalita  na umano siya para mabigyan ng proteksyon ang kanyang mga anak at buong pamilya.

Binanggit ni Victor ang mga legal na kaso laban sa kanyang dating asawa, kabilang ang adultery, cyber libel, pati na rin ang mga kasong sibil. Idinagdag pa niya na ang mga kamag-anak ni Maggie ay lumalabag sa isang kontrata sa pag-upa dahil inookupa nila ang kanyang ari-arian.

“While previously I would have agreed to an amicable separation and settlement, Ms. WIlson’s behavior to deliberately disrupt my son’s peace and to provoke, threaten, and subject me, Ms. Carrasco, or the people around us to a trial by publicity will fail to yield her any financial or personal gain,” pahayag ni Victor Consunji sa isang bahagi ng kanyang official statement.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo