Dolly De Leon Umiyak Dahil Inisnab ng Oscars!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng prangkang pahayag ang nominee ng Golden Globe na si Dolly De Leon matapos maitanong sa isang panayam kung ano ang kanyang naramdaman pagkatapos ng announcement nominees para sa Academy Award para sa best supporting actress kung saan nabigo siyang makakuha ng nominasyon.

Inamin ng multi-awarded actress na masama ang loob niya na ini-snubb siya ng Oscars subalit deserving naman daw lahat ng mga nominated artists.

Matatandaan na ayon sa mga prediction ng ilang mga movie critics, palaging napapasama si Dolly sa mga inaasahan na ma-nominate para sa Oscars para sa kanyang pagganap sa Triangle of Sadness. Sa halip, hinirang ng Academy sina Angela Bassett, Hong Chau, Kerry Condon, Stephanie Hsu, at Jamie Lee Curtis.

“Ang initial reaction ko talaga umiyak ako, nalungkot ako, I felt bad for about two to three days and then after that okay na ako. I'm not gonna lie and pretend okay lang sa akin na hindi na ako na-nominate noong time na yun," pag-amin ni Dolly.

“Para sa akin, this is a game we're all playing anyway if you think about it. Ang ganda kung may recognition, may award. Pero at the end of the time, let the work speak for itself,” dagdag pa ng aktres.

Gayunpaman, masaya naman umano siya sa mga napasama sa nimonasyon at nilinaw niyang mataaas ang respeto niya sa mga ito.

Pupunta si Dolly sa London para dumalo sa awards night ng 76th BAFTA na nakatakdang maganap sa February 20. Nominado siya sa kategoryang best support actress kasama sina Angela Bassett, Hong Chau, Kerry Condon, Jamie Lee Curtis, at Carey Mulligan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo