Cristy Fermin Rumesbak Kay Willie Revillame Matapos Sumbatan Sa Binigay Na Condo Unit at Kotse

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Jerome

 

Binanatan ng husto ni Cristy Fermin ang host na si Willie Revillame, sila ay dating magkaibigan ngunit ngayon ay magkaaway na dahil daw sa issue na pagsasara nga ALLTV.

Nag-ugat ang lahat matapos na magsalita si Kuya Will kahapon February 7 sa kanyang show na Wowowin. Walang pakundangan na sinumbatan niya ang mga taong tinulungan niya, subalit ngayon na nalalagay siya sa alanganin dahil sa nalalapit na pagsasara ng ALLTV ay sinabihan na siyang mayabang. 

Siya pa daw ang pinagsasabihan ng mga masasakit na salita, isa sa mga nabanggit niya ay ang taong binigyan niya umano ng condo unit sa Will tower at binigyan niya rin daw ito ng isang brand new na kotse. Subalit tinawag padaw umano siya nito na isang mayabang, pero ang taong ito ay hindi naman niya pinangalanan. 

Ngunit ngayong araw February 8 ay napag-alaman na si Cristy Fermin pala ang tinutukoy ni Willie sa kanyang mga ipinahayag kahapon, Kaagad naman kasing nag react si Cristy Fermin matapos niyang mapanood ang video ng pagpaphayag ni Willie kahapon. 

Dalidali naman daw na itiniext ni Cristy si Willie at pinagsabihan daw niya ito na bakit daw umano ito nagsalita ng mga ganoong bagay ng hindi man lang pinapanood ang kanyang buong statement. Bakit din daw ito nag ka ganun na tila sinumbatan na ang lahat nga mga taong kanyang natulongan.

Sabi naman ni Cristy na hindi daw niya binanatan si Willie dahil pinaaalalahanan lamang daw niya ito at sabi din ni Cristy na ipinagtanggol pa nga daw niya si Willie pero ito pa daw ang kanyang na pala na ibrinodcast sa TV ang binigay nitong tulong sa kanya napinagpaguran niya naman daw umano. 

Mukhang title lang naman daw ang tiningnan ng host na si Willie at hindi ang buong article at nagpasulsol na daw siya sa mga taong nakapaligid at walang preno na nagpahayag ng galit sa naturang show ni Willie.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo