Naglabas ng maaanghang na pahayag ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa pagbabago ni Liza Soberano sa kanyang screen name bilang Hope Soberano.
Ayon kay Liza noon pa man ay nais na niyang matawag bilang Hope subalit hindi siya nabigyan ng pagkakataon dahil ang Star Magic na umano ang namili para sa kanya.
“I’ve sacrificed myself, I’ve sacrificed my freedom, I’ve sacrificed my happiness to present Liza Soberano to the world, and I think I’ve earned the right to finally be me,” pag-amin ng aktres sa kanyang vlog.
Marami ang napanting sa pahayag na ito ng aktres at tinatawag ito ngayong inggrata dahil ipinalabas nito ngayon na mali ang pagma-manage sa kanya ng dating management agency.
Maging si Manay Cristy Fermin ay sinasabi ring wala talagang utang na loob si Liza sa dati nitong pinagtatrabahuan kung saan siya sumikat ng husto.
Pahayag naman ni Manay Cristy, “Bukod tanging itong Liza Soberano na ito, ang nagsabi ng puro reklamo. Puro reklamo! Isipin mo, i-vlog, na noong siya daw po ay nag-artista [na] alalahanin daw po natin na 16 years old pa lang daw po siya, eh umaarte na siya at 25 na raw siya ngayon."
"At ang sabi po niya, ay ninakawan siya ng freedom, ng happiness, ng childhood, at ang sabi pa niya ‘I’ve earned the right to be me,’."
"Ngayon daw, kumbaga pinagsakripisyuhan daw po niya ‘yan, at ngayon daw, ay siguro naman ay maintindihan na natin, na mayroon na siyang karapatan ngayon na maging siya.”
Ayon pa kay Cristy Fermin na dahil sa ipinapakitang ito ngayon ni Liza masasabing hindi talaga ito Pilipino.
“Nakakaloka. Wala… walang utang na loob itong batang ito. Ito pala ang tunay na dahilan kung bakit ka umalis ng Pilipinas, hindi ‘yung gagawin mo pang sangkalan ‘yang Hollywood na butas ng karayom ang lulusutan mo bago ka makapasok."
"Wala kang utang na loob. Hindi ka Pilipino. Tamang tama lang na ang citizenship mo ay Amerikano ka pa rin hanggang ngayon.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!