Boy Abunda, Very Disappointed Sa Inilabas na Vlog ni Liza Soberano!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Lovely


 Maging ang TV host at tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda ay hindi nagustuhan ang mga sinabi ng dating Kapamilya artist na si Liza Soberano.


As a manager himself, alam daw niya ang ginawa ni Liza at ibinahagi pa niya na ginawa ito ng actress for a rebranding. Nais niyang bumuo ng ibang imahe at gusto niyang tahakin ang ibang landas sa kanyang showbiz career.


Matapos ang inilabas na vlog ni Liza, ipinahayag naman niya na nais na niyang matawag bilang Hope Soberano dahil ito talaga ang kanyang gustong screen name dahil hindi naman umano siya ang pumili ng Liza.


Subalit, ayon kay Boy Abunda hindi dapat na kalimutan na lamang ni Liza ang kanyang nakaraan sa pagtatrabaho sa ABS-CBN.


“I’m not disgusted… I’m extremely disappointed with the vlog, You can proceed with your career, redirect your career pero, sana, you can journey in gratitude,” saad ni  Tito Boy.


Maging ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ay nagreact din sa nasabing vlog ni Liza. Ipinahayag pa ni Ogie Diaz na hindi totoong kinontrol si Liza at inilagay sa kahon dahil tinatanong naman ito sa kanyang gusto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo