Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Sparkle

 



PAANO ibabalik ang isang ari-arian kung walang hawak na dokumento ang naibigay?


Ito ang malaking tanong ni Nay Cristy Fermin nang bigyan siya ni Willie Revillame ng condo unit noong 2017, at wala siyang papeles.


Sa kanyang programa kasama si Romel Chika sa Radyo 5 92.3 News FM, ikinuwento ng kolumnista ang senaryo.


Aniya, nang makausap niya ang admin ng Wil Tower tungkol sa pagpapalit ng unit, sinabihan si Cristy na ikukunsulta ito sa property manager para sa proseso ng pagbabalik.


Nabanggit din ng admin ng Wil Tower na kapag nai-turn over na ang titulo ng unit kay Revo, ang anak ni Cristy, pag-uusapan nila ni Willie ang pagbabalik ng unit.


“Tama rin naman, di ba! Heto ang nakakatawa na naging comedy sa amin iyan ng pamilya.


“Naisip namin, si Willie sinumbat-sumbatan ako tungkol sa unit na ‘yun, e, ni kapiranggot na dokumento pala, e, wala naman kaming hawak. Mula po noong 2017 hanggang ngayon na nagsasalita ako wala pong dokumento,” natatawang kuwento ni ‘nay Cristy sa CFM habang nakikinig si Romel.


Naalala pa ni Nay Cristy ang paborito niyang banda na The Beatles dahil habang nasa eroplano sila, sinulat ni John Lennon sa lata ng sigarilyo ang kantang Let it Be at Hey Jude. At least may ebidensya sila.


“E, ito pong sinasabi ni Willie na unit kahit po sa takip ng Choc Nut, e, wala naman kaming papel na hawak, walang dokumento ano ang ibabalik namin?”takang-takang sabi ng CFM host.


Dagdag pa, “nagsumbat-sumbat siya, ipinahiya niya kami sa buong bayan wala naman pala siyang hawak na ebidensiya (binigyan kami ng unit).”


Ipinaalala rin ng kanang kamay ng ina ni Cristy na si Tina Roan na buwan-buwan na silang nagbabayad ng monthly dues simula noong 2017 at walang patunay na sila ang may-ari ng unit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo