Cristy Fermin; “Ang Totoong-Totoo Ay Pinakain Po Ng Alikabok Ni Moira Si Toni Gonzaga”

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Sparkle

 


Hindi nagpapigil ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin nang ikumpara niya ang katatapos lang na concert ng OPM Hugot Queen na si Moira Dela Torre sa anniversary concert ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Ang dalawang konsiyerto ay ginanap sa Araneta Coliseum.

Nitong February 1, nagsagawa ng concert si Moira na magsisilbing simula ng kanyang world tour sa US, Canada, at Middle East ngayong 2023.




Habang ginanap ang 20th Anniversary Concert ni Toni noong January 20.

Samantala, hindi maikakailang matagumpay ang katatapos na concert ni Moira at talagang na-appreciate ito ng maraming concert goers.

Napag-usapan din ito sa social media dahil sa mga hugot na kanta at mga bagong kanta na kinanta ni Moira sa kanyang concert.




Hindi naiwasang ikumpara ni Cristy ang concert ni Moira sa concert ni Toni, na aniya ay "bokya".

Sa latest episode ng kanyang YouTube program na "Cristy Ferminute", sinabi ni Cristy na 'pinakain ni Moira si Toni ng alikabok' sa concert sa Araneta.

Ayon kay Cristy, totoo raw na sold out ang concert ni Moira dahil marami ang gustong manood nito.




Hindi raw ito tulad ng concert ni Toni na pinupuntahan ng mga tao dahil libre ang mga ticket.

Narito ang pahayag ni Cristy:

“Ang totoo, ang totoong-totoo ay pinakain po ng alikabok ni Moira dela Torre si Toni Gonzaga sa pagso-show niya sa Araneta Coliseum. Punong-puno, Romel, filled to the rafters ika nga.



Dito po, hindi natin maiiwasan ang pagkukumpara dahil totoo naman po kasi na sold out po, ito ang tunay na sold out na masasabi. Hindi pinamigay, hindi pinakyaw para ipamigay, ito po ay binili ng ating mga kababayan sa kagustuhan nilang masaksihan ang concert talaga ni Moira dela Torre.


Sa nakaraan niyang concert, napakaraming pumuna na mismong pinasikat na niyang kanta, ay hindi niya naawit nang maayos at sintunado siya. At si Moira, sabihin nang nakakaantok, sa ikatlong kanta palang ay matutulog ka na, mahihimbing ka na, hindi po. Ayan po o, punong punong punong po ang Araneta Coliseum.


Samantalang yung kay Toni, alam natin ang totoo. Dalawang araw na bokya, walang bumili diba? Dalawang araw yun, tas bigla na lang nagulat ang Araneta, biglang may pumapakyaw ng daan-daang ticket. Nako, magpakatotoo po tayo.”




Samantala, hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Toni kaugnay ng isyu ng pagbebenta umano niya ng libreng concert tickets.

( Hide )
  1. C Cristy mahilig talagang magpagulo, hindi nman nagkukumpitensia yung dalawa n moira at toni...

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo