Boy Tapang Hiwalay Na Sa Girlfriend na Tinatawag Niyang Girl Tapang!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang tila hindi pagkakaintindihan nina Boy Tapang at ng ipinakilala niyang girlfriend na si LJ Satterfield na tinatawag naman niyang Girl Tapang.

Sa kani-kanilang social media accounts mababasa ang mga post na tila patama sa isa't-isa.

Maging ang post ni LJ noong Valentine's Day kung saan pinasalamatan nito ang umano'y nagpadala ng mga bulaklak at donuts ay nilinaw ni Boy Tapang at sinabing hindi sa kanya galing ang mga ito.

"Klarohin ko lang. Hindi ako nagbigay ng bulaklak na iyan. So alam niyo na. Kapal ng mukha no na as if ako ang nagpadala. Ano ibig sabihin diyan? Manggagamit," caption ni Ronnie o mas kilalang si Boy Tapang sa Valentines post.

Samantala, sa page naman ni LJ Satterfield na binansagang 'Girl Tapang', tila may pagbabanta di umano ito sa isang post ni Ronnie tungkol sa paglalabas ng katotohanan sa kanilang dalawa. 

"Ronnie Suan, hahahahahaha. Ako ang magsasabi kaya save your energy Boy Hambog," matapang na bwelta ni LJ.

Naglabas pa ng mga screenshots si Ronnie Suan sa convo nila ni LJ kalakip ang caption sa bawat larawan.

Kung saan makikitang isang malaking scripted lamang pala ang kanilang relasyon at "for the views" lamang ang kanilang habol.

Matatandaan na minsan pa silang nai-featured sa KMJS dahil talagang pumatok ang kanilang 'pag-iibigan'. Subalit isang prank lamang ang lahat dahil sa mga ini-reveal ni Boy Tapang na isa lamang prank at ang kanilang habol ay makahakot lamang ng views at subscriber.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo