Bianca Umali Nilinaw Ang Dahilan Kaya Nagpa-Convert Sa Iglesya Ni Cristo!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely

Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso actress na si Bianca Umali hinggil sa intrigang kaya siya sumapi sa Iglesia ni Cristo ay dahil sa boyfriend niyang si Ruru Madrid.

Ayon kay Bianca, personal na desisyon niya ang pagpapa-convert at pag-anib sa relihiyong “Iglesia Ni Cristo” o INC, at hindi lamang dahil miyembro nito ang kaniyang boyfriend na si Kapuso actor Ruru Madrid.

Aniya pa sa isang panayam, naging instrumento lamang daw si Ruru upang mas makita pa niya ang malalim na dahilan kung bakit siya umanib sa nasabing relihiyon.

“I don’t think I would have it fall under the category of things you do for love or these things that I do for love. I knew that God has always been in my life. He has always guided me. He has always been with me holding my hand. Hindi Niya ako pinabayaan, even though I wasn’t this close to Him, and alam kong marami rin akong pagkakamali noon sa Kaniya,” pahayag ni Bianca.

“And when I discovered my faith, which is where Ruru comes in. Hindi dahil sa kaniya kaya ako nag-convert pero naging instrumento siya para maipakilala sa akin ‘yung religion at maipakita sa akin ‘yung daan kung saan tinawag ako para mapalapit ako sa Diyos,” paglilinaw pa ng aktres.

Ipinahayag nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon nitong huling bahagi ng 2022.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo