Anak Ni Karen Davila Nagtatrabaho Bilang Cashier Sa Isang Korean Store!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


Sinurpresa ng broadcaster na si Karen Davila ang kanyang anak na nagtatrabaho bilang cashier sa isang Korean Merchandise Store.

Ibinahagi ni Kare Davila ang isang video nang surpresang pagbisita ni Karen Davila sa kanyang anak na si David sa isang Korean Store na Mumuso. Ayon kay Karen, may special needs ang kanyang anak dahil na-diagnose itong may autism.

Gayunpaman, very proud pa rin si Karen sa kanyang anak dahil marami itong talento kagaya na lamang sculpting and painting. Masaya din si Karen dahil nag-aaral na rin ngayon si David sa pakikitungo sa maraming tao.

Ang pinapasukang school ni David ay naglunsad ng isang programa kung saan natutulungan nilang ma-build ng mga katulad ni David ang pakikisalamuha sa ibang tao. Sa programang ito na assign si David sa Mumuso Store bilang kanyang job internship.

Personal na binisita ni Karen ang anak sa pinagtatrabahuang store at doon na rin namili ng ilang mga gamit. Si David naman ang nag-asikaso sa kanya bilang cashier.

Makikita naman na masaya si David sa kanyang trabaho. Ayon pa sa mga kasamahan ni David magaling naman ito at  napakaseryoso sa kanyang trabaho.  Madali rin itong turuan at very specific sa pagsagot sa mga costumer.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo