Ama Ni Liza Soberano Humingi Nang Tawad Matapos Ang Binitiwang Salita ng Anak!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang ama ng aktres na si Liza Soberano matapos ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng anak matapos ang pagsisiwalat nito sa isang vlog.


Ibinahagi ng columnist at TV host na si MJ Marfori sa isang video ang maikling pahayag ng tatay ni Liza sa mga views ng TV host.


Ang mga salitang binitiwan ng ama ni Liza ay hindi gaanong malinaw, ngunit isinulat naman ni MJ sa caption sa tabi ng video ang pinag-usapan nila ng ama ng aktres.


Ayon pa kay MJ ito ang sagot ng ama ni Liza sa mga tao na nagsasabing napaka-ungrateful ng aktres sa dati niyang management.


“#LizaSoberano’s dad #JohnCastilloSoberano has a short message to the people calling her daughter ungrateful,” caption ni MJ sa kanyang post.


“Since you guys are all hurt I’m very sorry. For what you guys didn't understand,” pahayag ng ama ni Liza.


Matatandaan na sa inilabas na vlog ni Liza Soberano binalikan niya ang nangyari sa kanyang showbiz career sa nakalipas na 13 years.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo