Xian Gaza, Naglabas ng Open Letter Kay Paolo Contis, Naka-relate sa Hinaing Nito sa Pagsusustento!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Agad na naglabas ng isang open letter ang social media influencer na si Xian Gaza hinggil sa isyu ng pagsusustento ng aktor na si Paolo Contis sa kanyang mga anak sa magkaibang babae.

Tila nakarelate si Xian sa mga hinaing ni Paolo at sa takot nitong baka ano lamang ang gawin ng mga babae sa ibibigay niyang sustento.

"This message is not from a point of hate but from a point of a man na kaparehas mong may dalawang ex na naiwanan ng anak.

I understand kung bakit hindi ka nagbibigay ng sustento because you have your personal reasons. Maaaring lulong sa sugal si babae or sinusunog lamang niya ang pera sa mga luho o baka naman may lalaki siya na pinagkakagastusan," unang pahayag ni Xian Gaza para sa aktor.

Ibinahagi pa niya ang kanilang storya ng isang ina sa kanyang anak. Sa huli sinabi ni Xian Gaza na kahit ano pa ang gagawin ng babae ay obligasyon pa rin ng lalaki ang magbigay ng sustento buwan-buwan.

"Paolo, no matter what issues you have with their moms, kesyo hindi napupunta sa tama yung sustentong ipinapadala mo, obligasyon mo pa ring magpadala ng fixed amount every month para sa araw-araw na gastusin ng mga bata.

Kung saan ito gagastusin ni babae eh is not your problem anymore. Labas ka na dun. Diskarte na nila yun. Iniwanan natin sila ng mga anak na papalakihin ng ilang taon at araw-araw aalagaan habang tayo ay nagbubuhay-binata eh that's the least that we can do for them," prangkang pahayag ni Xian.

Ipinahayag pa niya ang hirap ng pagiging isang ina sa pag-aalaga pa lamang ng anak at sa paghahanap ng diskarte para mabuhay kaya nararapat lamang na bigyan ng sustento.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo