Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario Nagbigay ng Explanation sa Ginawa nila Kay Baby Meteor!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


 Agad na naglabas ng paliwanag si Whamos Cruz at sinagot ang ilang mga intrigang ibinabato sa kanila ng ilang mga netizens hinggil sa pag-aalaga nila sa kanilang bagong silang na sanggol na si Baby Meteor.

Matatandaang, pinuna ng ilang mga netizens ang pagpapainom nila ng tubig kay Baby Meteor at ang pilit na pangigising rito ni Antonette.

Sa inilabas na video ni Whamos Cruz sa kanyang official Facebook account, inilahad niya isa-isa ang natanggap na puna ng mga netizens at nagbigay ng paliwag sa mga ito.

Ayon kay Whamos, hindi marami ang ipinainom nilang tubig kay Baby Meteor at may go signal ito mula sa kanilang pediatrician. Okay lamang daw na painumin ng tubig ang sanggol subalit gapatak lamang daw. Dahil hindi available ang dropper sa kanilang bahay nang mga oras na iyon, minabuti nilang ilagay ito sa feeding bottle. Alam din umano nilang 6 na buwan pa ang kailangang palipasin bago tuluyang mapainom ng tubig ang anak.

Nakiusap rin si Whamos sa ilang mga netizens na kung may mali man silang nagawa ay maari naman silang kausapin ng maayos at di na kailangan na ibash pa dahil nakikinig naman umano sila.

“Sana sa susunod, kapag alam n’yong mali ‘yung tao, o yung mga magulang, ‘wag n’yo nang i-bash. Wag n’yo nang ikalat na ganito kami. Gawin n’yong perfect ‘yung tao. i-perfect n’yo ‘yung tao. na ‘sana sa susunod ganito na ‘yung gawin n’yo. ‘Wag n’yo nang gawin,” pakiusap ni Whamos.

Narito ang buong video ni Whamos Cruz mula sa kanyang official Facebook accounthttps://www.facebook.com/watch/?v=843892203345243

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo