Xian Gaza, Naawa Kay Pokwang! Binigyan ng Panalangin!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag kamakailan ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post ang kanyang kalungkutan para sa komedyanteng si Pokwang dahil tila hindi pa umano ito nakakapagmove on.

Sa kanyang Facebook post, binati ni Xian Gaza ang lahat ng magandang umaga except kay Pokwang dahil hindi pa umano ito nakakamove on.

“Magandang umaga po sa lahat except kay Pokwang na hindi pa maka-move on,” pahayag ni Xian sa kanyang Facebook post.

Sa comment section ipinahayag pa ni Xian na ipinagdadasal niya ito.



Kamakailan ay gumawa ng panibagong post sa social media si Pokwang kung saan tila may malalim itong “hugot” sa bagong kanta ni Moira dela Torre, ang ‘Ikaw at Sila’. Nag-post ang aktres-comedienne ng larawan ni Moira na naglalaman ng mga salitang “ginamit mo lang ako,” at pagkatapos ay nagsulat ng sarili niyang caption na nagsasabing “grabe ka Moira.” 

Ilang araw na ang nakalipas, gumawa si Pokwang ng isang cryptic post tungkol sa pagtanggal ng ilang tao sa kanyang buhay, bagama't hindi siya nagbigay ng anumang impormasyon alam na ng lahat kung sino ang kanyang tinutukoy. Kamakailan lang, nag-post siya ng larawan nila ni Malia kasama ang impormasyon na pupunta sila sa isang abogado at ang caption na, "we got this nak."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo