Vilma Santos Naging Emosyunal ng Makita Ang Unang Apo Kina Jessy at Luis!

Martes, Enero 10, 2023

/ by Lovely


Labis ang tuwa ni Vilma Santos sa kanyang pagiging ganap na lola na halos maiyak na ito nang unang masilayan ang apong babae na anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. 

Ani Vilma, nang una niyang makita ang apo ay si Luis Manzano umano ang nakita niyang kamukha nito ngunit nakuha naman ng apo ang lips ni Jessy.

Labis ding ikinatuwa ni Vilma na sinunod sa pangalan niyang Rosavilma ang pangalan ng apo na si Isabella Rose. Samantala, biniro siya ni Luis na dahil dito ay dapat bigyan niya ng lote ang apo niya. Hiniling din ng mag-asawa na kay Vilma manggaling ang unang hikaw ng kanilang anak. 

Sa tingin umano ni Vilma ay tila magiging Papa's Girl ang kanyang apo dahil sa tuwing sinasabihan ito ni Luis ng 'I love you' ay nangingiti kaagad ang sangggol.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo