Vhong Navarro Naging Emosyonal Sa Pag Amin Ni Karylle!

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Sparkle

 


Umiyak at humingi ng tawad kay Vhong Navarro ang TV Host-singer na si Karylle sa live-episode ng Kapamilya noontime program na It's Showtime.

Inamin ni Karylle sa harap mismo ng komedyante na nawalan na siya ng pag-asa na makakabalik pa ito sa kanilang show matapos itong makulong ng halos 3 buwan dahil sa kaso.

Isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga kasamahan sa It's Showtime kay Vhong nang bumalik ito sa programa noong January 16.

Nagbiro muna si Karylle na hindi muna siya magsasalita at nagsimula siyang maging emosyonal.

Aniya, “Damang-dama ko yung pagbabalik mo. Hindi ko kaya to. Next. Pass”.

Patuloy na tumutulo ang mga luha ng aktres-singer, “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kasi nawalan ako ng pag-asa talaga. Sorry na naubos yung pag-asa ko. Pero minsan, may dumarating na madlang pipol, sasabihin nila na one day, mangyayari to at nandito ka ngayon. I’m just so grateful. Ang pogi mo ngayon.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo