Toni Fowler, Sumawsaw sa Isyu ni Donnalyn Bartolome!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Tila hindi pa rin matapos-tapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Donnalyn Bartolome, matapos mag-viral ang kanyang post noong Bagong taon.

Ang post ni Donnalyn ay may kaugnayan sa pagkakalungkot ng ilang mga netizens sa tuwing magtatapos na ang bakasyon o sa pagbabalik trabaho.

Matatandaang, nauna nang umalma ang ilang mga netizens at maging ang ilang mga social media influencers sa pahayag ni Donnalyn. Para kasi sa kanila ay napaka insensitive ng dalaga.

Agad namang ipinagtanggol ni Donnalyn Bartolome ang kanyang sarili at nagbigay pa ng ilang mga larawan upang ipaliwanag ang kanyang side.

Samantala sa isang social media post, nagpasaring ang isa pang social media personality na si Toni Fowler sa isang kapwa niya influencer na tila hindi umano alam ang kaibahan ng naghihirap at sa nag-i-struggle. Pass din umano siya sa toxic positivity  ng vlogger na ito. May pabahagi pa umano ito ng mga photos para lamang sabihing nakakarelate ito sa karamihan.

"YUNG NAGLABAS KA PA NG PICTURE JUST TO JUSTIFY NA NAHIRAPAN KA TALAGA 

pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho. 

Di alam neto kung ano ang totoong PAGHIHIRAP kaya nag react mga tao.

IBA YUNG NAG STRUGGLE SA NAGHIRAP

MASYADONG PATUNAY PARA LANG MAKA CONNECT SA MASA. Pass ako dyan boss HAHAHAHA!"

Bagama't hindi naman pinangalanan ni Toni Fowler kung sino ang kanyang tinutukoy sa post, hinuha ng lahat na ito ay walang iba kundi ang vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome.

Hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang pakikisawsaw na ito ni Toni Fowler. Ayon sa kanila nakikisawsaw lamang si Toni sa isyu ng mga isyu. Binalikan pa ng ilan ang nauna niyang pahayag na 'MIND YOUR OWN BUSINESS' sa 2023.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo