Sylvia Sanchez, Bongga Ang Resbak Sa Bashers Ni Ria Atayde!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


Naging prangka si Sylvia Sanchez sa pagbwelta niya ang mga nang-bash sa kanyang anak na si Ria Atayde dahil sa pagiging calendar girl ng isang liqour product.

Ayon sa mga naiulat, denepensahan ni Sylvia ang kanyang anak. Ipinahayag pa niya na masaya ang kanyang anak at mayroon silang masayang pamilya, kaya naman hindi talaga niya alintana ang mga bashers.

"Merong namba-bash kay Ria pero wala akong pakialam sa kanilang lahat. You know why? Masaya ang buhay ng anak ko, masaya kaming pamilya. Okay ang anak ko. So bakit ko iintindihin ‘yung mga taong bashers na mga walang mukha?" pahayag ni Sylvia.

Pagkatapos, sinabi ng beteranang aktres na mas gugustuhin niyang pumili ng isang mapang-akit kaysa sa isang taong payat ngunit napakasama ng ugali.

"Mas gusto kong makita ‘yung sa sinasabi niyong may laman or voluptuous kesa sa payat na masama ugali. Mas gusto ko sa voluptuous na merong mabuting puso. ‘Yun ang s*xy para sa akin," pagsisiwalat na ni Sylvia.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo