Rabiya Mateo May Hinahanap na Instagram User na May Kunting Followers!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely


Naging laman ng usap-usapan sa social media ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo matapos magbahagi na may hinahanap siyang isang Instagram user.

Sa kanyang Instagram stories, nag-post siya ng screenshot ng profile ng isang netizen sa nasabing photo-sharing app. Pagkatapos ay ipinaalam ng dating beauty queen sa kanyang mga followers na ang hinahanap niyang Instagram user kamakailan ay "nag-private."

Ayon kay Rabiya, nais niyang turuan ng leksyon ang nasabing tao. Kaya tinatanong niya ngayon ang kanyang mga followers kung sino ang nakakaalam ng address nito. 

Ipinahayag din ni Rabiya na nakahanda na ang legal action na gagawin nila para sa taong ito.

"Since she went on private, let me teach this one a lesson. Can someone send me her name, address, and where she/he works from? Our actions have legalities. Let me teach you a serious lesson, Madame," caption ni Rabiya sa kanyang Instagram Stories.



Subalit, hindi sinabi ni Rabiya kung ano ang dahilan kung bakit niya pinapahanap ang Instagram user na ito o kung ano ang nagawa nitong pagkakamali.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo