Direk Darryl Yap Kumbinsidong Ang Darna Costume Ang Nagbigay ng ka-MALASAN kay Celeste Cortesi!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely


Maging ang kontrobersyal na direktor na si Direk Darry ay nagbigay ng saloobin kung bakit hindi napasama sa Top 16 si Celeste Cortesi.

Kagaya ng ibang mga netizen, sinabi ng direktor na si Darryl Yap na kumbinsido siyang, nagdulot ng “malas” ang pagsusuot ng Darna costume ni Celeste Cortesi sa preliminary competition para sa Miss Universe 2022.

“Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna,” pahayag ni Direk Darryl sa kanyang Facebook post.

Nagbigay din siya ng kanyang saloobin at opinyon sa mga nagsasabing kasalanan ni Pangulong Marcos ang pagkakatalo ni Celeste Cortesi. Tila alam na alam niyang mula ang pambibintang sa mga kakampinks na tila hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove on sa pagkatalo ng kanilang pambato noong eleksyon.

“At lahat ng ito ay kasalanan ni Bongbong Marcos at Golden Era pa more.

Ok, kakampinks balik na tayo sa pag-iisip kung anong sunod na Agri product ang pamamahalin.”

Nagbigay pa ng witty suggestion si Direk Darryl Yap sa susunod na dapat isuot ng kandidata na National Costume para sa Miss Universe ay Jollibee dahil kilala ng mga foreigners.

“Alam ko namang walang hihingi ng suggestion ko, pero sana sa susunod na national costume, JOLLIBEE naman.

BAKIT? mas kilala yan ng mga foreigners!”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo