Pokwang, Sumabog sa Komento sa Mismong Post Ni Lee O'Brian!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Hindi na nakapagpigil ang komedyanteng si Pokwang at sumabog na sa galit at kaagad na sinagot ang komento ng netizen tungkol sa kanya.

Agad na sinagot ni Pokwang ang komento ng isang netizen at isiniwalat niya na kapag walang pera ay hindi umano papansinin ni Lee. Ipinahayag din niya ang hindi pagbibigay ng sustento ni Lee para kay Malia sa loob ng limang taon.

"@mich**********true akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw @an******** sa post nya stalker ka manggagamit yang taong yan hahhahahaha wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!" maanghang na komento ni Pokwang.

Dahil sa komentong ito ni Pokwang, mahihinuhang kahit noon pa mang magkarelasyon sina Pokwang at Lee O'Brian ay hindi na talaga nagbibigay si Lee. Sa madaling salita, talagang si Pokwang lamang ang kumakayod sa para sa kanilang pamilya.

Isa kaya ito sa dahilan ng kanilang paghihiwalay?


( Hide )
  1. Nagpalahi ka lang talaga..masarap walang jowa.focus ka na lang sa anak mo maganda.

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo