Piolo Pascual Binati ni Manay Cristy Fermin sa Kanyang Kaarawan! Tinalakay ang Pag-aasawa!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Isa sa naging paksa ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa kanilang programang  Cristy Ferminute, ang pagdiriwang ng ika-46 birthday ng aktor na si Piolo Pascual.

Sa kanilang talakayang, inihayag ni Cristy Fermin ang pagdiriwang ni Piolo Pascual ng kanyang kaarawan. Ipinahayag din nito na sa kasalukuyang edad ngayon ni Piolo Pascual, marami na ang napapatanong kung kailan ito mag-aasawa.

“Unang-una, maligayang kaarawan kay Piolo Pascual. Pangalawa, sabi nila dalawang bagay lang 'yan e kapagka sa ganyang edad ay hindi pa rin nag-aasawa ang isang lalaki,” pahayag ni Cristy Fermin.

Inilahad naman ni Cristy Fermin, na baka ay nais lang ni Piolo na maging matandang binata kaya hindi pa rin ito nag-aasawa hanggang ngayon.

“Una, siguro gusto niyang maging matandang binata. Pangalawa, siguro meron siyang hinahanap na mga katangian sa babae na hindi pa niya nakikita. 'Yun lang naman 'yon diba?”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo