Pambansang Kolokoy, Itinatago Pa Rin Ang GIRL Friend?

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Muling nakasama ni Joel Mondina na mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ang babaeng pinaghihinalaang ipinalit niya sa kanyang asawa na si Grace Mondina o mas kilalang Marites.

Sa panibagong vlog ni Kolokoy, hindi pa rin tinanggal ng nakasamang babae ni Kolokoy ang kanyang shades at facemask. Ilang beses man itong sinabihan ni Kolokoy na tanggalin ang shades at facemask ay tinanggihan itong lahat ng babae.

Ang nasabinng vlog ay umani ng samu't-saring komento at intriga mula sa mga netizens. Kalat na rin ito sa iba't-ibang social media platforms.

Matatandaang naging malaking usapin ang hiwalayan nina Marites at Pambansang Kolokoy nitong nagdaang October. Lalo na nang aminin ni Pambansang Kolokoy na masaya na siya sa bago niyang kinakasama.

Nito lamang ay ibinahagi pa ni Pambansang Kolokoy ang kanyang anak sa bago nitong kinakasama. Ang tanong ngayon ng ilang mga netizens bakit tila sadyang tinatago ng babae ang kanyang mukha sa publiko?



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo