Mama Loi at Ogie Diaz, Nagpustahan Kung Buntis si Toni Gonzaga!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Naging pustahan ang komento ni Mama Loi hinggil sa napapansing aura kay Toni Gonzaga sa panayam nito kay Wacky Kiray.

"'Yung nakita ko 'yung interview ni Toni kay Kiray, kasi kaibigan natin si Kiray, ang blooming niya. Iba 'yung aura niya," komento ni Mama Loi.

Ayon sa paglalarawan ni Mama Loi, ang aura ni Toni Gonzaga ay katulad sa mga babaeng nagdadalang tao umano.

"'Yung napanood ko 'yung kay Kiray Nay parang ganon 'yung na-sense ko e. Ano lang naman 'to na-sense ko lang. Kasi naalala ko si Mommy Sowl. 'Di kaya buntis si Toni Gonzaga?" 

Agad namang pumusta si Ogie Diaz at sinabing hindi buntis si Toni.

"Eto nalang pustahan tayo... Php10,000. Hindi buntis," ani Ogie Diaz.

Hindi naman nakasagot si Mama Loi lalo na't malaking halaga din ang ipinusta ni Ogie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo