Pambansang Kolokoy, Ipinakilala Na Ang ‘Special Someone’ Si Gladys 'Chuchay' Guevarra!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Ikinagulat ng maraming netizens ang pagpapakilala ni Pambansang Kolokoy a.k.a. Joel Mondina sa kaniyang special someone, sa pamamagitan ng mukbang vlog.

Kasama ang baby, iniharap na ni Pambansang Kolokoy kung sino ang babaeng nagpapatibok ngayon sa kaniyang puso at ito ay walang iba kundi si Gladys Guevarra.

Ang ikinagulat ng lahat dahil ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang umalma si Gladys at ipinahiwatig na hindi naman siya nanganak. Sa inilabas pa na pahayag ni Gladys, tila ipinahiwatig niyang hindi siya ang “kabit” sa naging relasyon nina PK at estranged husband na si Marites Gondina.

Gayunpaman kung susuriin naman ang kaniyang FB post, hindi naman niya inamin o dineny kung may relasyon ba sila ni Joel.

Sa kanilang mukbang vlog, isinalaysay ng dalawa kung paano ba sila nagkakilala. Ayon pa kay Chuchay, bata pa lamang daw ay magkakilala na sila ni Pambansang Kolokoy.

Nasisiyahan naman si Chuchay dahil halos lahat ng mga paborito niyang pagkain ay niluto ni Pambansang Kolokoy para sa kanilang mukbang vlog.

Sa huli ay magtutukaan sana silang dalawa subalit biglang nadistract dahil sa isang kawali.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo