Pagkapanalo Ni Kim Chiu Bilang ‘Best Female Tv Host’ Sa PMPC, Inulan Ng Reaksiyon!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Pinangaralan ang Kapamilya actress at isa sa mga TV host ng noontime show na 'It’s Showtime' na si Kim Chiu bilang 'Best Female TV host' sa naganap na 35th PMPC Star Awards for Television noong Sabado, January 28, 2023, na ginanap sa Winford Manila Resort and Casino.

Samantala, ang nagwagi naman bilang counterpart ni Kim Chiu ay si Paolo Ballesteros mula sa katapat na noontime show ng It's Showtime ang longest running noontime show na Eat Bulaga.

Agad namang nagbigay ng mga mensahe ng pagbati ang kasamahan ni Kim Chiu sa It's Showtime at ipinahayag nila ang kanilang kasiyahan para kay Kim Chiu.

Maging ang ilang mga fans ay nagpaabot din ng kanilang kasiyahan para sa actress-host.

“Kapag totoong mabait talagang pinagpala. Mula noon hanggang ngayon, Congrats Kimmy!”

“Congrats Kimmy! You deserve that! Super natural at jolly in hosting. Congratulations!”

“Best TV host Kimmy congrats!”

Subalit, hindi naman maiwasang magtaka ng ilang mga netizens kung bakit hindi napili ang ibang kasamahan ni Kim Chiu sa It's Showtime kagaya na lamang kina Anne Curtis,  Karylle, at Tyang Amy Perez na mas deserving daw sa award. Maging ang Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda ay nabanggit rin at kung bakit hindi ito ang napili.

“Ngeks… no hater… pero si Anne or Tyang Amy mas deserve pa.”

“Ha paano siya naging main host doon eh si Vice Ganda ang nagdadala ng show na yun. OMG . That award is for Vice.”

“Best Female OA host.”

“Puro tili at pasigaw naman siya?”

“Best na yarn? Mga non-sense pinagsasasabi, mali-mali naman. Sorry lang di ako perfect, pero di niya deserve.”

Agad namang rumesbak ang mga fans ni Kim upang dipensahan ang actress-host.

“Ohhh di ba madami pa ding bashers dito, but hey! She got the award. Let her cherish this award. Ganiyan naman talaga eh kahit sa workplace n’yo, aminin n’yo kapag may na-promote, meron at meron pa din kayo sasabihing negative about that person. Kapag inggit, pikit. Congrats, Kim Chiu!”

“Dami namang bitter dito bakit kaya hindi na lang kayo mag-congrats para everybody happy. Nasa kaniya na yung award di ba may mgagawa pa ba ‘yang mga panlalait ninyo? Ganiyan talaga basta mababait hindi lang sa camera pati sa totoong buhay pinagpapala lagi ni God. Lalo pa ngang gumaganda career niya eh saka tingnan n’yo yung mukha niya hindi halatang 30+ na.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo