Direk Joel Lamangan, Handa na Kahit Pa Itapat ‘Martyr or Murderer’ sa ‘Oras De Peligro’!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Confident ang direktor na si Direk Joel Lamangan para sa kaniyang pelikulang 'Oras De Peligro' na gaganapin ang premiere night sa darating na February 23 sa SM Megamall, Mandaluyong City, at ipapalabas naman sa mga sinehan sa March 1.

Isang matapang na pelikula ang 'Oras De Peligro' dahil ipapakita nito ang nangyari tatlong araw bago umalis ng mga Marcos sa Malacanang Palace noong EDSA Revolution 1. Ipinagdidiinan pa ng direktor na ang kanilang pelikula ay base sa 'facts' at 'historical videos'.

Pinabulaanan din nito ang 30 minutong kissing scene sa pelikula dahil pawang paninira lamang umano ito at walang ganitong mangyayari sa kanyang pelikula. 

Nagbigay pa siya ng mensahe kay Direk Darryl Yap na may ginagawang pelikula na magpapakita sa tunay na kulay ng mga Aquino, lalong-lalo na kay Ninoy Aquino Sr.

“Tumapat na sila nang tumapat. Kahit tumabi sila nang tumabi, wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang pelikula, at tama naman ang pelikula. Ito’y nagsasabi ng totoo,” pahayag ni Direk Lamangan.

Matatandaang ilang beses na pinatutsadahan ni Darryl Yap ang mga pelikulang sinasabing babangga raw sa MoM, gaya ng Oras De Peligro at “Ako si Ninoy” ni Direk Vince Tañada, na siya ring nagdirek at nagsulat ng pelikulang ‘Katips' na tumapat naman sa nauna niyang pelikula na Maid in Malacanang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo