Mommy Ni Antonette Gail Naiyak Sa Tuwa Ng Makita Ang Apo Na Si Baby Meteor!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Labis ang kasiyahan nadarama ngayon ng ina ni Antonette Gail Del Rosario na si Dolly Del Rosario dahil nasilayan na niya ang unang anak nina Antonette at Whamos Cruz.

Matatandaang, noong nagli-labor pa lamang si Antonette ay ipinahayag na ng ina nito ang kanyang excitement na masilayan at makasama na si Baby Meteor.

"3 c.m on the way to 4c.m! Palakas ka pa Antonette Gail Del Rosario, para mi-lakas ka pagkalabas ni baby Meteor. Excited na ang lahat sa paglabas ni baby meteor. Nandidito lang kami to pray para sayo. Hindi ka pababayaan ni God. Just pray lang. Mahal ka naming lahat.." caption ni Dolly sa kanyang Facebook post kalakip ang mga larawan ng nagli-labor.

Agad din niyang binati sina Antonette Gail at Whamos, matapos ang matagumpay na panganganak ni Antonette. Pinahayag din niya na ganap na silang nanay at tatay.

"congrats sa inyo, thanks god nakaraos at safe kayo pareho ng baby niyo, mommy and daddy na kayo."

Matatandaan, na labis ang pagtutol ni Mommy Dolly sa pag-iibigan noon nina Antonette at Whamos. Umabot pa sila sa programa ni Sen. Raffy Tulfo dahil inireklamo niya si Whamos na tinangay ang kanyang anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo