Lucho Agoncillo, Nagkaroon Ng Injury Sa Unang Game Bilang Junior Varsity!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Very proud ang celebrity mom na si Judy Ann Santos na isa nang junior varsity ang kanilang anak ni Ryan Agoncillo na si Lucho Agoncillo.

Sa kanyang unang laro, nagpasya si Judy Ann at ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo na sorpresahin ang kanilang anak. Ikinuwento pa ni Juday na naging teary-eyed siya, salamat sa shades na suot niya, hindi raw ito masyadong nagkikita.



Ibinahagi pa ng ina sa kanyang IG stories nasi Lucho ay  isa sa pinakamaliit sa koponan, subalit maituturing ding toughest one. 

Subalit nagtamo ng injury si Lucho sa kanyang unang laro ngunit sa kabila ng injury, gusto pa rin nitong bumalik sa laro. Buti na lang at napigilan siya ng coach.

"Injured on the 1st game... but he's fine... gusto pa ngang bumalik, pinigilan lang ni coach," pagbabahagi ni Juday.



Kamakailan ay nagpaalam si Judy Ann sa kanyang anak na si Lucho sa kanyang latest post. Sa Instagram, nag-upload ang celebrity mom ng ilang B&W photos na kuha niya kay Lucho bago ito umalis. 

Ayon kay Judy Ann, kinailangang umalis sandali ng kanyang anak para sa kanyang unang out-of-town varsity game. Sa kanyang online post, inamin din ng celebrity mom na tinamaan siya nito ng napakalaking wave ng "sepanx."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo