Bea Alonzo, Giit Pa Rin Na Na-Ghost Siya Ni Gerald Anderson!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang ilang taon, nabigyan na ng pagkakataon si Bea Alonzo na ipahayag ang kanyang side sa naging hiwalayan nila noon ng aktor na si Gerald Anderson.

Sa kanyang pagiging guest sa programa ni Boy Abunda na 'Fast Talk with Boy Abunda' tahasan niyang inamin na sumama ang kanyang loob kay Boy Abunda dahil sa interview nito noon kay Gerald Anderson.

"Oo kasi tao lang ako tito Boy. Pero I'm so glad na nasabi mo na iniisip mo 'ko kasi 'yun yung tumatakbo sa isip ko nun na parang, iniisip kaya ako ni tito boy? Kung ano yung nararamdaman and yun nga it's so conmforting to know that you were. And syempre tao lang ako kahit sino siguro yung mag-interview sa kanya that time it would hurt. Especially kung half the time he wasn't telling the truth," pag-amin ni Bea.

Mas nasaktan pa umano siya dahil sa pagsisinungaling ni Gerald Anderson sa buong bansa hinggil sa pang-go-ghost nito sa kanya.

"Siguro 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me because he did," paliwanag ni Bea.

Kaya naman, hinding-hindi na umano niya kaya pang maging kaibigan si Gerald Anderson dahil ayaw niyang makipagkaibigan sa mga sinungaling na tao.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo