Lian Paz, Nag Flex Ng Larawan Ng Fiancee na si John Cabahug at Xonia!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Matapos ang naging pagsisiwalat ng aktor na si Paolo Contis hinggil sa hindi niya pagsusustento sa kanyang mga anak sa dalawang babaeng dati niyang nakarelasyon. Tila sinagot ito ng isang post ni Lian Paz.

Sa kanyang Instagram account, proud na nag-flex siya ng throwback photo ng isa niyang anak kasama ang kanyang fiancee na si John Cabahug.

Tinukso pa niya ang fiancee at si Xonia na tila ay may LQ umano.

Ayon pa kay Lian na noon pang January 31, 2021 kuha ang nasabing larawan.

"Kaya kayo napagkakamalan mag-BF/GF, mukhang LQ kayo dito ni Xonia!" pahayag pa sa caption ng dating EB dancer.



Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinahagi ni Lian Paz ang larawan ng kanyang mga anak kay Paolo Contis kasama ang kanyang fiancee na si John Cabahug. Labis naman ang pasasalamat ni Lian kay John dahil malaki umano ang naitulong nito sa kanilang mag-iina dahil sa hindi pagbibigay ng sustento ni Paolo Contis.

Samantala, nauna nang ipinahayag ni John Cabahug na nais niyang legal na ampunin ang mga anak ni Lian na sina Xonia at Xalene. Subalit kailangan pa umano niyang kausapin kung papayag ba si Paolo Contis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo