Jessy Mendiola Nanganak Na Raw?

Miyerkules, Enero 4, 2023

/ by Lovely


Sa isang episode ng Cristy Ferminute, napag-usapan nina Cristy Fermin ang pagbubuntis ni Jessy Mendiola.

Nakarating umano kina Manay Cristy Fermin na nanganak na umano ang asawa ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola noong holiday season.

"Nanganak na raw po si Jessy Mendiola-Manzano sa Medical City po. Doon daw kasi siya nagwo-work kaya naikwento po sa amin at umuwi na raw po sila noong Sunday po," pahayag ni Cristy Fermin. 

"Nakita pa raw po niya si Luis Manzano," pagkukwento ni Cristy Fermin sa sinabi ng kanilang source.

Hindi naman nila ibinahagi ang tamang petsa ng panganganak umano ni Jessy. Ang sinabi lang ay kaagad na nakauwi ang mga ito.

Samantala, hindi pa naman kinumpirma ng celebrity couple kung totoong nagsilang na ba si Jessy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo