Jane De Leon Nag-Inarte Kaya Hindi Natuloy Si Regine Velasquez Sa Ending Ng Darna!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isyu ng pag-iinarte umano ni Jane De Leon kaya hindi natuloy ang pasabog ni Regine Velazquez sa huling bahagi ng Darna TV series sa ABS-CBN.

Ayon sa mga bali-balita, may pasabog sanang gagawin sa ending ng Darna kung saan magbabalik ang dating gumanap na mga Darna noon. Ang mapipili ang siyang makaka-face-to-face ni Jane at ayon sa balita ay si Regine daw ang umokey sa mga natawagan.

Naitalakay din ito sa programa nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika na Cristy Ferminute.

“Ang dami-daming gustong matapos na ang Darna na ‘yan!” pasiunang pahayag ni Cristy Fermin.

“And speaking of Darna ‘Nay sa finale ng Darna hinahanap daw nila ang lahat ng gumanap ng Darna at isasama raw sa finale?” chika naman ni Romel Chika.

“Ganu’n? E, meron akong nahagip na kuwento na dapat pala, e, si Regine Velasquez ang ay makakasama rito. Tinawagan daw si Regine, okay walang kaarte-arte.  Ang nag-inarte raw ay itong si Jane de Leon,” paglalahad ni Manay Cristy Fermin.

“Si Regine Velasquez pala ang huling pasabog ng Darna, walang kaabog-abog na nu’ng sinabihan ng produksyon si Regine, umoo agad, nagbigay ng sched at walang tanong kung magkano ang TF.

“Sa kasamaang palad, hindi natuloy dahil ang hitad na Jane de Leon nagpaimportante, gusto ng hitad body double na lang daw ang iharap kay Regine tapos mag-chroma na lang kesyo maraming dahilan ang babae.

“Kaya hindi pumutok ang Darna dahil hindi minahal ang leading lady. Hindi man lang niya nakuha ang magandang working attitude nina Joshua Garcia at Janella Salvador. Ah, kaya naman pala,” paglalahad pa ng kolumnista.

Samantala ng tanungin ang direktor sinabi naman nitong mabait naman si Jane De Leon at wala rin umano siyang alam sa isyung ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo