Detalye Ng Napapabalitang Engagement Ni Skusta Clee Sa Rumored GF Nito Na Si Ava Mendez!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Jerome


 Mainit na pinag-uusapan sa social media ang kumakalat na video, kung saan tila nag propose na ang OPM rapper na si Skusta Clee kay Ava Mendez.

Makikita rin sa naturang video na talagang masayang-masaya sina Skusta Clee at Ava Mendez habang magkayakap. Maging ang kanilang mga kaibigan ay masaya rin para sa kanila.

Ibat-iba naman ang mga naging reaction ng mga netizen sa TikTok video lalo na't alam na ng karamihan na madaling magpalit ng babae si Skusta Clee.

@shopeelangmars #skustaclee #zeinab #zeinabharake #engagement #skustacleenewgirlfriend #skustacleeengagement ♬ original sound - FINDS

Sa comment section naman, mababasa na marami sa mga netizen ang nag pupustahan kung totoo nga bang engage na sila Skusta o kung ilang buwan lang ito tatagal.

May ilan pang nagsasabi na tatlong buwan lang at hindi aabot nang isang taon ang relasyon ng dalawa. Marahil ay makakahanap na naman umano ng bago si Skusta Clee katulad ng nangyari sa kanila ni Aira Mae Lipata.

Kung matatandaan, na si Aira Mae Lipata ang itinuturong third party na naging dahilan ng hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Inakala pa ng marami na seryoso si Skusta Clee kay Aira Mae dahil ipinagpalit niya rito ang kanyang pamilya.

Subalit, ilang buwan lamang ang nakakalipas si Ava Mendez na naman ang karelasyon nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo