Dani Barretto Hindi Pala Invited Sa Party ni Alex Gonzaga!

Biyernes, Enero 20, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Jegz, at Dyosa Pockoh sa latest na showbiz update sa YouTube channel nila nitong Biyernes, na “napakasagrado” pala umano ang noo’y birthday party ni Alex Gonzaga kung saan ang ilang mga bisita ay namataang wild sa kasiyahan dahil sa pagkakalasing.

Dito ibinahagi ni Ogie Diaz na hindi pala umano imbitado si Dani Barretto na siyang source ng viral video ni Alex Gonzaga, sa naturang birthday celebration nito.

“Ang sabi sa akin ng isa kong source, ang invited talaga doon ay asawa ni Dani Barretto na nagdi-DJ doon. So sinamahan niya 'yong asawa niya doon. Syempre sa katuwaan ni Dani Barretto, nahuli niya na ginanun ‘yung cake. Syempre in-IG story saka dinelete ni Dani Barretto,” chika ni Ogie.

“Kaya itong si Danni Barretto, nag-iiiyak dahil binomba nang binomba si Alex sa social media, na inokray nang inokray,” dagdag pa ni Ogie.

Isiniwalat pa ni Ogie Diaz, na napakasagrado ng party na iyon at talagang malalapit lamang na kaibigan ni Alex Gonzaga ang invited. Dapat ay wala sana umanong nagcover nito dahil namataang marami sa mga kaibigan ni Alex ang nagwawala na dala ng kalasingan.

“Sana walang nagcocover dahil nagwawala ‘yung ibang mga bisita. Dun lang silang nakakakilos nang walang camera; na lahat magkaka-close. Meron pa ngang time na si Alex ay umakyat pa ng mesa,” pagkukwento pa ni Ogie.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo