Cristy Fermin, Naalarma Nang Gawing Biruan Sa Concert Ni Toni Gonzaga Ang Cake Issue Ni Alex Gonzaga!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


Hindi nagustuhan ng verteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na ginawang biro ni Toni Gonzaga ang cake smearing issue ni Alex Gonzaga noong nakaraang bithday nito.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, marami sa mga netizens ang hindi din  nagustuhan ang ginawa ng magkapatid sa concert. Pinagtatawanan lamang nila at ginawang biro ang ginawang pamamahiya ni Alex Gonzaga sa isang waiter, na napag-aalamang si Allan.

"Ginamit niyang content sa concert ng Ate niya yung tungkol sa kabalbalan na ginawa niya. Para sa kanya, yun ang paraan niya ng pagsulong. Hindi gagagawin ng isang babae na galing sa isang matinding pagkontra ng publiko yung ginawa niyang pagliyad-liyad na para siyang naghahamon na parang sekswal ang dating," pahayag ni Cristy Fermin.

Sinabi pa ni Cristy Fermin na hindi kaagad nakakalimot ang mga netizens sa ginawang pambubully ni Alex Gonzaga.

"Hindi po ganoon kadaling kalimutan ng ating mga kababayan ang ginawa niyang pambu-bully at pambabastos sa waiter. Sabi ko nga nung trinato mo ng ganon ang isang taong hindi mo co-equal, markado ka na doon e," pagpapahayag pa ni Manay Cristy.

Gayunpaman, ipinahayag ni Manay Cristy Fermin na sana ay totoo ang ipinahayag ni Alex Gonzaga na nagbago na siya at natutunan na niya ang isang masakit na leksyon sa mismong kaarawan niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo