Bimby Aquino, Sasailalim Din Sa Medical Assessment! Kris Aquino Humihiling ng Dasal!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely

Muling humihingi ng panalangin ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil siya at ang kaniyang anak na si Bimby ay sasailalim sa confinement para sa kanilang medical assessment.

Ipinahayag ito ni Kris Aquino sa pamamagitan ng comment section ng fan page na @krisaquinoworld na nag-upload ng larawan niya na mula kay VG Mark Leviste nang bisitahin siya nito sa Amerika.

Matatandaang kumalat kamakailan ang latest photo ni Kris Aquino kasama ang Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste ng bisitahin nito ang aktres sa Amerika.

Bagama't walang pahintulot mula sa kanya tila hindi naman nagalit si Kris sa pagkalat ng kanyang mga larawan sa social media. 

Labis din na nagpapasalamat si Kris Aquino sa lahat ng mga nagbigay ng panalangin para sa kanya at sa kanyang mga anak.

“THANK YOU for keeping us in your prayers- next week we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment,” pahayag ni Kris sa kanyang komento. 

Ipinahayag din ni Kris na kailangang magpatingin din ng kanyang dalawang anak dahil kapareho niya ito ng blood type.

Samantala, ipinahayag din ni Kris Aquino na sinadya niya talaga ang hindi pagbabahagi ng mga larawan sa social media dahil nais niyang panatilihin ang kanyang privacy sa kaniyang immunosuppressant therapy.

Dagdag pa niya na gagawa siya ng dokumentaryo ng kaniyang pakikipaglaban sa sakit upang ipakita na hindi siya sumuko at ipinagpatuloy niya ang kaniyang laban.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo