Baby Meteor Ipinasilip Na nina Whamos at Antonette Gail! Face Reveal!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Isang araw matapos ang matagumpay na panganganak ni Antonette Gail Del Rosario sa kanilang panganay na anak ni Whamos na si Baby Meteor, ipinasilip na nila ang kabuuang mukha nito sa publiko.

Marami sa kanilang mga followers ang nag-aabang na masilayan ang mukha ni Baby Meteor. Lalo na't base sa naunang paglalarawan ni Whamos ay napaka cute nito na may maputing balat at matangos na ilong na namana umano nito sa kanyang ina.

Sa video na ibinahagi ni Whamos, makikita ang unang pagbuhat niya kay Baby Meteor. Bagama't halatang kinakabahan ay mukhang walang mapaglagyan ang katuwaan ni Whamos.

Makikita rin sa nasabing video ang kaputian ni Baby Meteor at matangos nga ang ilong nito kagaya ng naunang paglalarawan ni Whamos.

Ipinahayag pa ni Whamos na sa tuwing naiiyak si Baby Meteor ay hindi nila alam kung ano ba ang gusto nito, kung gusto na pa nitong magbreast feed o anuman. Maiintindihan naman ito dahil first time nilang pareho.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo