Andrew Schimmer, Unti-unti Nang Nakaka-move On, Nagbebenta na rin ng Beauty Products!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Tila ay unti-unti nang nakakabangon ang aktor na si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng kanyang asawa na si Jho Rovero noong December 20, 2022.

Ibinahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang Facebook post ang pagpasok niya sa negosyo. Sa ngayon ay sumabak na rin si Andrew sa pagbebenta ng mga beauty products kung saan kasama niya ang isang vlogger na si Keith Talens.

Kapansin-pansin rin na nakangiti na ito at tila ba ay maaliwalas na ang kanyang mukha. Marami sa kanyang mga followers ang masaya na nakikitang unti-unti nang nakakabangon ang aktor. 

Matatandaang simula nang pumanaw ang kanyang partner na si Jho noong Desyembre nang nakaraang taon ay kadalasang nalulungkot at umiiyak si Andrew sa mga pictures at videos nito na makikita sa social media. 

Agad namang bumuhos ang mga nakaka-inspire na mensahe para sa aktor sa comment section ng kanyang post.

Narito ang ilang komento mula sa mga tagasuporta ni Andrew Schimmer.

"I will for sure lalo na ngayon, I'm a single parent too I know how it feels and how it be like."

"The tests of time to you sir defines the person you really are to everyone. Only few MEN can endure it all. T'was tough tho. You deserve to be blessed alot."

"mkkamove on k din ...be strong enough for your kids. God bless"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo