Alex Gonzaga Binatikos Matapos Hampasin Ng Cake Ang Waiter Sa Birthday Party Niya!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Sparkle

 


Umani ng matinding batikos mula sa mga netizens ang sikat na TV host, aktres at vlogger na si Alex Gonzaga, matapos ang karumal-dumal na aksyon laban sa isang staff kagabi.

Kagabi ay kaarawan ni Alex Gonzaga at siya ay 35 taong gulang. Sa kanyang kaarawan, nagkaroon siya ng birthday party na dinaluhan ng ilang sikat na kaibigan sa industriya at sa vlogging, kabilang sina Liz Uy, Julia Barretto, Zeinab Harake, at marami pang iba.

Nang binati siya ng happy birthday at may photo op at hawak ng isang staff o server ang birthday cake para hipan, biglang kumuha ng icing si Alex Gonzaga at tinampal ito sa noo ng staff.


Makikita sa mukha ng staff na talagang gulat na gulat siya at hindi niya ito nagustuhan. Pero dahil staff at server siya ng nasabing party, ngumiti na lang siya kahit labag sa kalooban.

Ayon sa mga source na malapit sa ilang dumalo sa party, lasing umano si Alex Gonzaga noong kinunan ang video.

Kapansin-pansin sa ibang video na ito ang pagiging makulit ni Alex. Wala na sa poise ang kanyang mga kilos at paos na rin kaya naman halatang lasing na talaga siya.

Dahil sa kanyang ginawa, nagalit ang netizens sa karumal-dumal na ginawa ni Alex Gonzaga. Aniya, hindi ito gawa ng isang mabuting tao at hindi man lang siya inawat ng kanyang asawang si Mikee Morada na para bang kinukunsinti ang kanyang ginawa.

Ayon sa ilan, bagama’t mayaman siya, you can’t buy class daw. Ayon sa komento ng dating nakasama ni Alex Gonzaga sa isang pelikula:






Depensa naman ng mga fans ni Alex Gonzaga, sinabi nilang ang sikat na vlogger ay ganoon lang. Makulit talaga ito lalo na't nakainom siya.

Kilala raw ng lahat ang hyperactive personality ni Alex at tiyak din na humingi rin ito ng tawad sa server sa likod ng camera.

Samantala, dahil viral na ang video na ito ni Alex Gonzaga, tiyak na magkakaroon siya ng paliwanag hinggil sa kanyang mga aksyon.

Pero hindi lang sorry ang sigaw ng mga netizens, kundi compensation sa server na napahiya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Alex Gonzaga sa isang kontrobersiya. Matatandaang nag-away sila ni Dina Bonnevie kamakailan matapos ilabas ang kanilang isyu kung saan pinahiya siya ni Dina sa set ng kanilang teleserye dahil lagi siyang late.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo