Toni Gonzaga Inasar ng mga Basher 'Nasan na ang Most Powerful Celebrity'!

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


Marami ang nang-aasar sa TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos itinanghal bilang Best Actress si Nadine Lustre sa ginanap na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022.

Itinanghal na pinakamagaling na aktres si Nadine ngayong taon para sa pelikulang “Deleter” mula sa Viva Films at sa direksyon ni Mikhail Red. Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa  mga netizens.

Labis na natutuwa ang mga loyal fans ng aktres na si Nadine Lustre. Subalit pinagpyestahan naman ng mga basher ang pagkabigo ni Toni Gonzaga.

Matatandaang may nagsasabing si Toni Gonzaga ang siyang maituturing na Most Powerful Celebrity. Tanong tuloy ngayon ng mga basher nasan na yung pagiging poweerful ni Toni gayung nangungulilat naman ang pelikula nito sa MMFF 2022.

May mga nagsasabi pang mas may laban pa umano si Mommy Pinty kung sakaling ito ang sumabak sa MMFF.

May ilan namang nagtanggol kay Toni Gonzaga at sinabing galawan umano ito ng mga kakampink na hindi pa rin nakaka move on sa pagkatalo ng kanilang pambato sa eleksyon.

Matatandaang, marami sa mga kakampink ang nagkansel kay Toni Gonzaga kahit pa tapos na ang eleksyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo