Toni Fowler Muling Binanatan Ang Mga Netizens Na Hindi Siya Gusto Mula Noon!

Huwebes, Disyembre 1, 2022

/ by Lovely


Muling binuweltahan ni Toni Fowler ang mga netizens na nagsasabing namimiss na nila ang dating Toni Fowler. Yung hindi siya retokada.

Ang nasabing komento ay mula sa latest video na ibinahagi ni Vince kung saan makikita ang pamamaga ng mukha ni Toni dala ng bagong cosmetic procedure na ipinagawa niya.

Agad ni-repost ni Toni ang nasabing komento at sinabing hindi naman talaga siya gusto ng taong ito retokada o hindi. Memacompare lamang.

“‘Nakakamiss yung dating Toni’. Comment ng mga taong mula noon di naman ako bet. Memacompare lang,” pahayag ni Toni sa kanyang Facebook post.

Samantala agad namang umani ng komento mula sa mga tagasuporta at bashers ni Toni ang kanyang post. May nagsasabi pang sumusobra na umano ang pagpapa-retoke ni Toni na hindi na magandang tingnan bagkus ay nakakapangit na.

“Nakakamiss yung totoong maganda at sexy na Toni. Ngayon kasi binobola ka na lang ng mga tao kahit di ka naman sexy ang pepeke ng mga tagahanga mo mga bulag o ano… Sobrang di maganda ang katawan mo now sa totoo lang nasobrahan na parang dalawang bola ang pinasok sa puwet na super fake tingnan. I love the old looks.” komento ng isang netizen.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo