Sylvia Sanchez, Ayaw Pang Mag-asawa si Ria Atayde!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


 Sa isang masayang panayam ang naganap sa pagitan nina Alona Sasam sa mag-ina na sina Ria Atayde at Sylvia Sanchez, para sa naganap na ABS-CBN Christmas special.

Maraming mga bagay na naibahagi ng mag-iina tungkol sa kanilang dalawa. Maraming mga bagay ang naisiwalat ni Sylvia Sanchez tungkol sa relasyon ng kanyang anak na si Ria sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Matatandaang si Sylvia mismo ang nagsiwalat na nagliligawan na ang dalawa. Labis naman pinupuri ni Sylvia si Zanjoe dahil napakabait umano nito at napaka marespeto.

"Mabait si Z... Marespetong bata. Gustong-gusto ko siya," pahayag ni Sylvia na masaya para sa kanyang anak.

Subalit, tila hindi pa handa si Sylvia na pakawalan at pag-asawahin ang kanyang anak na si Ria sa kabila ng pagsang-ayon niya sa relasyon nito kay Zanjoe Marudo.

"Hangga't maari, ayaw ko muna siyang mag-asawa talaga. Actually 'yung paglipat niya ng bahay, big deal 'yun kasi siya 'yung ano... 'Di namin siya mapakawalan kasi like mag-abroad kami, siya yung naka-ano na mom, dad ito itinerary natin. Plantsado lahat," dagdag pa niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo