RR Enriquez Sinabing Ipinamukha Talaga ni Nora Aunor na isang Ampon si Matet De Leon!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Hindi nakaligtas sa pansasawsaw ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez ang naging isyu sa pagitan ng mag-inang sina Nora Aunor at Matet De Leon.

Matatandaang umalma si Matet De Leon nang malamang parehong-pareho ang produkto na negosyo ng kanyang ina sa kanyang produkto na mga gourmet tuyo. Talagang gumawa ito ng ingay sa social media lalo na nang masabi pa ni Matet na 'ramdam na ramdam' niya ang kanyang pagiging ampon sa ginawang ito ng ina-inahan. 

Samantala, ayon kay RR dapat munang timbangin ng publiko ang sitwasyon ng mag-ina.

"For me ha, there's nothing wrong if parehas kayo ng business o binebenta na product ng kamag-anak mo, ng kaibigan mo, ng kung sinoman especially 'yung mga loved-ones mo, walang masama dun. Pero syempre like ako nauna na ako ng business and then yung kapatid ko nag-business din ng ganun. Magtatampo talaga ako, sasama talaga 'yung loob ko. Kasi hindi ko magets, bakit mo ko kakalabanin e pwede ka namang mag-resell sa'kin. Okay magigets ko na gusto mo ng sarili mong brand, pero bakit hindi ka nalang tumulong sa'kin maging reseller nang sa ganun mapalago natin tong business di mo na kailangan mamuhunan Kasi nga ako na ang mamuuhunan for you bilang kapatid kita o nanay naman kita," pahayag ni RR.

Naiintindahan man umano niya ang nararamdaman ni Matet, subalit dapat din nitong isaalang-alang ang relasyon nila bilang mag-ina. Kaya naman pinayuhan ni RR si Matet na pabayaan na lamag ang pangagaya ng kanyang ina at galingan na lamang sa pag-mamarket sa kanyang negosyo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo