Mommy Divine Ipinagtanggol naman ng Isang Empleyado!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Sa latest vlog ni Ogie Diaz, muli nilang napag-usapan ang isyu na kinakaharap ng ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

Kamakailan ay naging tampok din sa kanilang usapan ang pagrereklamo umano ng isang empleyado laban sa ina ng Popstar Royalty dahil sa masamang trato nito sa kanyang mga empleyado at ang delayed na pagpapasweldo.

Ayon kay Mama Loi may naka-usap siyang empleyado ni Mommy Divine at ibinahagi nito ang side ng kanilang amo. Nilinaw din nito ang mga ibinabatong alegasyon ng kapwa empleyado kay Mommy Divine.

Ayon umano sa source dati nang namasukan bilang driver ng pamilya ang nasabing complainant, subalit bigla na lamang itong umalis sa trabaho. Muli itong naki-usap na babalik sa trabaho na kaagad namang pinagbigyan ni Mommy Divine, subalit muli itong umalis ng walang paalam at iniwan na lamang ang susi at sinabing magreresign na.

"Hindi rin daw totoo na hino-hold ang last pay at gamit dahil ready daw po ito na makuha at may notice daw si Mommy Divine na personal sana itong kunin ng driver dahil may mga kailangang ibawas na mga pagkakautang ang nasabing driver dati sa mga kasamahan sa trabaho na naghihintay din sa kanyang pagdating. Ang driver daw ay fixed ang monthly rate kaya hindi totoo na hindi bayad 31st day of the month dahil nga hindi naman daw arawan ang bayad sa kanya,” pagbabahagi ni Mama Loi sa usapan nila ng source.

Nilinaw din umano ng source, na isang araw lamang kung ma-delay ang pasahod ng mga empleyado at inaabisuhan naman umano sila. Minsan ay dahil nasa farm sila Mommy Divine kaya minsan ay delay ang sahod.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo