RR Enriquez, Sinabing Hindi Naman Nakaka-proud si Skusta Clee!

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


Hindi nakaligtas sa pangsasawsaw ni RR Enriquez ang pag-viral ng sweet photos nina Skusta Clee at Ava Mendez.

Kaagad na naglabas ng prangkang pahayag si RR Enriquez laban sa OPM rapper na si Skusta Clee.

Ayon kay RR, hindi dapat na maging proud ang sinumang babaeng malilink kay Skusta Clee dahil alam naman na umano ng lahat kung anung klaseng lalaki si Skusta Clee.

"Lalo na kung alam nating babaero, Okay lang naman kung alam nating hindi naman kagwapuhan. Pero hindi ka na nga kawapuhan babaero ka pa. Parang hindi nakaka-proud. Hindi mo 'yan ikinaganda girl. Hindi siya nakaka-proud sa totoo lang," diretsahang pahayag ni RR Enriquez.

"Questionnable kasi yan. Alam niyo na ngang babaero yung lalake, pinapatulan niyo pa ng pinapatulan. Anong akala niyo mapagbabago niyo siya? Kung si Zeinab nga na sobrang sèxy, sobrang ganda e hindi napagbago kayo pa? E wala naman kayo sa kalingkingan ni Zeinab. Charot!" pangangaral pa ni RR.

Ipinahayag din ni RR na baka isa sa mga dahilan kung bakit sa kabila ng record ni Skusta Clee sa pakikipagrelasyo marami pa ring babae na pumapatol rito. Ito ay marahil sa kadahilanang sikat si Skusta Clee at lahat ng babaeng nalilink rito ay pinag-uusapan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo