R@pe Case Ni Vhong Navarro Lilitisin Sa Susunod Na Taon!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Inilabas ng Taguig Regional Trial Court ang petsa kung kailan ang paglilitis ng kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban kaay Vhong Navarro.

Ayon sa kautusan ni Taguig City Regional Trial Court Branch 69 Judge Loralie Cruz Datahan, itinakda ang pagsisimula ng paglilitis sa February 16 kung saan pinagsusumite nito ng evidence ang chief ng prosecution panel.

Magaganap naman ang second hearing sa Marso 9, 2023 hanggang Abril 11, 2024.

Samantala, ang kampo naman ni Vhong Navarro ay maghaharap ng ebidensya mula May 16, 2024 hanggang November 14, 2024.

Muling nabuksan ang kasong isinampa ni Deniece Cornejo kay Vhong Navarro noong 2014. Nakulong ang aktor-host sa NBI Detention Facility at Taguig City Jail ng mahigit dalawang buwan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo