Rendon Labador Sinabing Walang Respeto si Alex Gonzaga!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


Agad na napa-react ang motivational speaker, fitness coach, at social media personality na si Rendon Labador sa pagsisiwalat ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, sa kanyang personal na karanasan sa pagiging late sa kanilang show ng actress, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga.

Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin sadyang nahuhuli si Alex sa mga shows na kinabibilangan, dahil ilang beses na rin itong nahuli sa ginawa nilang show noon. Palaging palusot din umano nito ay ang iba pang shows na pinupuntahan.

Katwiran naman ni Cristy, kung alam naman ni Alex na hindi kaya ng kanyang katawan na pagsabayin ang mgatrabaho. Kailangang bitiwan ang isa upang hindi na makaapekto sa oras ng iba pang actress na kasama sa proyekto.

Agad namang nagbahagi ng opinyon si Rendon Labador hinggil sa mga inasal ni Alex Gonzaga.

“Pag late ibig sabihin walang respeto yan. Ayaw na ayaw ko sa late na tao, BEING LATE IS A REPRESENTATION THAT YOU DON’T RESPECT OTHER PEOPLE!” pahayag ni Rendon.

Dagdag pa niya, mababa ang tingin niya sa mga taong palaging late.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo