Andrew Schimmer, Hawak-hawak ang Kamay ng Asawa Bago Ito Bawian ng Buhay!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Sa isang maikling short video kinumpirma ng aktor na si Andrew Schimmer na tuluyan nang binawian ng buhay ang kanyang misis na si Jho Rovero.

Si Jho Rovero ay tuluyang namaalam matapos ang mahigit isang taong pakikipaglaban sa kanyang sakit.

Sa ibinahaging video ni Andrew Schimmer sa kanyang Facebook account, idinetalye nito ang mga huling nangyare sa kanyang asawa.

Naabutan pa umano niyang niri-revive ng mga doktor si Jho subalit hindi na ito na-revive sa kabila ng lahat.

Ang labis pang nakakalungkot ay kaarawan sana ng bunsong anak nila subalit hindi na nito naabutan pa.

Samantala sa isang Facebook post ni Andrew, ibinahagi niya ang larawan kung saan hawak-hawak niya ang wala nang buhay na kamay ng asawa. Kung saan nakasuot ang kanilang wedding ring.

"The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promse, together forever.💔" caption ni Andrew sa nasabing larawan.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay para sa pamilya Schimmer. Hiling nila na patuloy na maging matatag si Andrew para sa naiwang anak nila ni Jho Rovero.

Matatandaang nito lamang December 10, ay masayang  ibinalita ni Andrew na pinaghahandaan na niya ang pagpapakasal nila ni Jho sa simbahan. Subalit tila hindi na nito natuloy dahil sa tuluyang pamamaalam ni Jho.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo