Paulo Avelino Lamang ng Kunting Kinis kay Dennis Catapang!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Naghatid ng goodvibes sa social media ang larawang ibinahagi ng online personality na si Dennis Catapang matapos niya ikumpara ang kagwapuhan nila ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Ayon kay Dennis Catapang lumamang lamang ng kunting kinis sa kanya si Paulo Avelino. Gayunpaman, alam umano niyang magkasinggwapo lamang silang dalawa.

“Paulo Avelino lumamang ka lang sa kinis,” pabirong caption ni Dennis.

“Sa hugis na lang ako bumawi… Baka malito kayo ako po yung nasa kaliwa. Partida nag-halfbath lang ako jan,” dagdag pa nito.

Kaagad naman itong kinatuwaan ng ilang mga netizens at umani ng samu't-saring reaksyon at komento.

"Mas hawig nyo po c Padre Salve."

"Parang mas kamukha nyo pa po si MR BEAN" saad ng isa.

"Expectations vs reality sa shopee" hirit naman ng isa.

"lods ikaw ang pipiliin ng mga babae lalo buntis hugis kinalabaw na mangga pero kalabaw mandali"

Samantala, hindi pa nagbigay ng pahayag o reaksyon si Paolo Avelino hinggil sa post na ito ni Dennis.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo